Sinimulan ang unang oras ng araw ng napakaraming pagbati mula sa aking FB wall. Laking pasasalamat ko na lamang dahil
nariyan ang FB upang paalalahanan ang mga kaibigan ko. Ngunit nagpapasalamat pa rin naman ako dahil
kung wala ang FB, hindi ako mapapaalalahanan ng mga kaarawan nila. Kaya ayun, quits lang.
Sumunod ang isang tawag na hindi pumapalya sa loob halos ng sampung taon. Meron nga lang mga
pagkakataon na delayed ngunit hindi pa rin nakakalimot.
Natulog ng alas kwatro ng umaga.
Nagising ng pasado alas otso. Hindi pa man buhay na buhay ang diwa ay may isang tawag na
naman. Hindi ko nakilala ang
boses. Dahil ilang beses niyang
nasambit ang “leche ka!” tiyak akong close ko ito. Ngunit sino? Bakit? Paano? Sigurado nga akong close ko ito ngunit hindi ko talaga
mahuli kung kaninong boses ito.
Clue. Magkababata daw
kami. Ayun, naisip ko rin! Paano ba naman ay siguro magtatatlong
taon na rin nang huli kong narinig ang boses niya sa telepono.
Nag-ayos. Pumasok
sa trabaho.
Umupo sa isang pagpupulong. Isang tawag na naman.
Bumili ng tanghalian sa labas. Inilibre ang sarili ng zagu dahil isang linggo nang nag-cacrave
sa halo-halo. Salamat nga pala sa
nagbigay ng tirahang ito kay Chewy.
Tutal, sa inyo din naman galing si Chewy!
May nag-text.
Kung sakaling mabasa mo man ito, bahala ka na kung magrereak ka. Judge me kahit hindi ako book. Pero tandaan mo, birthday ko. Kahapon.
Hayaan mo ng kiligin ang mga makakabasa nito. Kahit punong-puno ng charantia ang
supposedly reply ko.
P.S. Inaantay ko
na ang imbitasyon para sa kasal mo.
Inantok matapos kumain ng tanghalian. Tinulugan ang isa pang
pagpupulong. Pagkagising ay
panibagong pagpupulong na naman.
Pumunta sa dentista.
Umupo halos dalawang oras para sa pagpapatuloy ng root canal. Ikalawang linggo ko na ito. Alas otso na ng gabi yata nang makauwi
ako. Masakit pero rock.
Pagkatapos maghapunan, sinimulang tingnan ang libo-libong larawan
na nakaimbak kay Macky. Nagnilay-nilay. Nagmuni-muni.
Natapos na naman pala ang isang taon. Sabi ko ilang taon na rin yata ang nakakalipas, dapat bago ako umabot sa tatlumpo, tapos na ako ng masterado. Nagawa ko ito labing-anim na araw bago ako nag-dalawampu’t siyam.
Ngayong nadagdagan na naman ng isang numero ang mga guhit sa
aking palad, may mga bagong tahakin na naman. Dalangin ko ay matagumpayan ang matagal nang sinimulang mga
kasulatan. Dapat bago umabot ng
tatlumpu ay naisakatuparan na ang lahat ng ito.
Hindi ko alam kung ano pa man ang idudulot ng bukas. Nakakatakot. Walang kasiguraduhan.
Ngunit isa lang ang nasisigurado ko, gagabayan Niya ako sa lahat ng
oras. Salamat po sa
dalawampu’t-siyam na taon!
Salamat sa mga luha, tawanan, pagkabigo at muling
pagbangon. Salamat sa mga talento,
pagpapala, at pag-gabay. Salamat
sa panibagong taon.
No comments:
Post a Comment